An Blashchak:
Sangkot sa 24-M Euro fraud cases
PUGANTENG GERMAN IKINANLONG NI KONG
KINONDENA ng party-list Alab ng Mamamahayag (ALAM) ang pagpayag ni Bureau of Immigration Commissioner Ricardo David Jr. na makapaglagak ng pyansa para sa pansamantalang paglaya ang isang German national na isang pugante sa kanilang bansa, bunsod ng kahilingan ni Romblon Rep. Eleandro Jesus F. Madrona.
Ayon kay ALAM Chairman Jerry S. Yap, ang puganteng si Josef Blashchak ay pinayagan ng BI na makapagpyansa bagama’t tinutugis sa bansang Germany bunsod ng 24-M Euro fraud cases.
“Si Blashchak na may napakalaking kaso sa Germany ay kinanlong ni Congressman Madrona. Napakaraming mga dayuhan ang nakakulong sa BI dahil sa maliliit na kaso katulad ng over staying ngunit hindi pinayagang makapagpyansa ni Commissioner David,” pahayag ni Yap.
Giit ni Yap, maaaring may malaking dahilan kaya kinanlong ni Madrona ang pugante sa pahintulot ni David kaya nararapat lamang na ito ay maimbestigahan.
P.S.
Und welche Role spielt Ms. Macaria Junio Leonardo???